Ang aming mga presyo ay nakatakda sa euro, na maaaring maging mas madali para sa mga internasyonal na kumpanya. Ang quotation ay maaring hingin, na magiging depende sa bilang ng mga tao, ilang gabing tutuloy, at kung iba pang kailangan. Pagkatapos naming ibigay ang price offer, ang pagbabayad ay maaari lamang mangyari sa pamamagitan ng bank transfer sa bank account ng Motel Next, kasama ang deposit para sa isang buwan. Kung walang sira sa apartment, buong makukuha ang deposit kapag aalis na. Kasama na sa presyo ang lahat ng mga gastos sa utility gaya ng tubig, gas, heating, aircon, Wi-Fi, at TV, at wala ng iba pang dagdag bayad. Sa aming mga kasunduan sa apartment, nagsusumikap kaming magbigay ng mga maayos kondisyon para sa aming mga kasosyo sa negosyo, na naglalayong makamit ang pangmatagalang kooperasyon. At dahil diyan, kami ay nagsagawa ng maayos na istruktura para aming mga mangungupahan na kanilang maasahan, aasahan ding hindi pabago-bago ang presyo na kanilang babayaran.
Motel Next · Mga Package
Aming mga Package
Tatlong antas, isang prinsipyo: walang nakatagong bayad
Maaasahang pundasyon, tiyak na operasyon
- Sariling gusali (walang paghahalo ng kompanya/nasyonalidad)
- Paglilinis kada 2 linggo
- Pagpapalit ng linen kada 2 linggo
- Walang limitasyong paggamit ng water dispenser (may gas at walang gas)
- Paglilinis ng common area tuwing ika-3 araw
- Walang limitasyong paggamit ng aircon
- Nakasulat na move-in guide sa wika ng nangungupahan
- Digital na fault report + pag-aayos sa loob ng 1 linggo
- Mabilis na Wi-Fi (2 Gigabit+)
- Paggamit ng sarado at may CCTV na parking
May nakatalagang contact person at HR feedback
- Lahat ng nasa Foundation package
- Pag-isyu ng accommodation certificate at landlord’s consent para sa mga dayuhang manggagawa (para sa proseso sa OIF / Enter Hungary)
- Nakatalagang account manager (HU/EN)
- Kultura at community programs — hindi bababa sa 2 event kada taon (hal. pagdiriwang ng national holidays, sports events), naaayon sa nasyonalidad ng mga residente
- Suggestion box para sa mga empleyado (1 ideya naipapatupad kada 6 buwan)
- Survey ng satisfaction ng empleyado (kada 2 buwan)
- Welcome package
Kumpletong karanasan sa antas ng employer branding
- Lahat ng nasa Partner package
- Priority na pag-aayos (sa loob ng 24 oras)
- Walang limitasyong kape mula sa coffee machine
- Walang limitasyong inuming walang alkohol sa fridge
- Walang limitasyong paggamit ng panlaba
- Paggamit ng grill at grilling equipment
- Option na mag-rent ng Xbox
Ang presyo ay depende sa bilang ng tao, tagal ng pananatili, at napiling package — ibibigay namin ito pagkatapos ng custom na quotation request.
Motel Next · Karagdagang Serbisyo
Mga opsyonal na add-on para sa bawat package
Ang mga add-on ay maaaring i-order nang hiwalay para sa anumang package, may hiwalay na bayad.
Ang mga add-on ay maaaring idagdag sa anumang package (Foundation, Partner, Signature) depende sa pangangailangan.
Ano pa ang iyong mga pwedeng malaman tungkol sa Motel Next?
Hindi pabago-bago ang presyo
Ang mga presyo sa lahat ng kaso ay kasama ang lahat ng gastos sa utility, kabilang ang paggamit ng tubig, gas, pag-init, air conditioning, walang limitasyong Wi-Fi, at TV, nang walang nakatagong bayarin, kaya’t madali para sa lahat na tantiyahin ang buwanang upa.
Pwedeng magbayad gamit ang euros
Pwede lamang magbayad sa euro! Pagkatapos maibigay ang transfer invoice at security deposit, at kapag natanggap na namin ang bayad sa unang buwan ng upa, ang mga kwarto ay pwede na lipatan kaagad.
May kasamang security deposit
Kinakailangan namin ang security deposit na katumbas para sa isang buwang upa kaya naman kami ay nagbibigay ng mas maayos na alternatibo sa mga ibang apartment o ibang paupahan. Ang halagang ito ay maibabalik din agad kapag aalis na, ngunit dapat ang tinuluyan ay nasa maayos na kondisyon at walang sira sa mga ito.
Ang mga ipinagmamalaki namin
800
na katao kada taon
Kami ay nakakapagpatuloy ng halos 800 na tao kada taon mula sa buong bansa at iba't ibang panig ng mundo at patuloy pa itong dumarami.
Ang bilang na ito ay nagpapakita sa mga kompanya na kami ay para pwede upahan nang pangmatagalan upang masigurado na tuloy-tuloy at epektibo ang trabaho ng mga empleyado.
98%
ang masaya sa aming serbisyo
Ang apartment namin para sa mga manggagawa dito sa Motel Next ay kayang-kaya mabigay ng de-kalidad at maaasahang matutuluyan para inyong mga ka-trabaho.
Mga katanungan
Ang mga serbisyo na kasama sa babayaran ay pangdalawahang kwarto na may komportableng pang-isahan kama, muwebles, sariling banyo, refrigerator, TV, mabilis na Wi-Fi, aircon, panglahatang kusina, at labahan.
Para sa pagbabayad, kami ay magpapadala ng invoice tuwing ika-una ng buwan, at ang huling araw ng bayaran ay tuwing ika-10 ng buwan na kailangan bayaran sa pamamagitan ng euro.
Kung ang nasira ay hindi kasalanan ng nangungupahan, ang mananagot nito ay ang Landlord, 100%, pero kung ang nangungupahan ay may kasalanan, siya ang mananagot nito.
Sa akomodasyon, hindi kami tatanggap ng cash o card payment. Lahat ng pagbabayad ay pwede lamang sa pamamagitan ng bank transfer mula sa invoice na manggagaling sa Motel Next apartment. Hindi hihingi o tatanggap ng cash ang aming mga tauhan.
Ang babayaran ay fixed montly fee, kung saan aming ipapadala sa mga kompanya kapag sila ay nanghingi ng quote. Ang babayaran ay nakadepende sa dami ng panauhin at kung gaano katagal manunuluyan, na may minimum na 1 buwan.
Sino ang pumili sa aming mga motel para sa kanilang mga katrabaho