Mga patakaran sa aming motel

Ang mga patakaran ay nagsasaad sa mga alituntunin na kailangang sundin sa paniniharan sa apartment. Ang mga ito ay gabay kung paano ang tamang paggamit at pagpapanatili ng kaayusan sa mga residensyal na gusali at mga ari-arian, na hindi tinutukoy sa hiwalay na batas. Ang mga patakaran ay epektibo sa lahat ng mga lugar sa apartment at sa lahat ng taong gumagamit ng residensyal na gusali, maging permanente o pansamantala lamang. Ang mga residente ay obligadong sumunod sa mga patakarang nakasaad. Ang hindi pagsunod sa unang pagkakataon ay mabibigyan ng unang babala, o kung labis ang pangyayari, agarang pagpapaalis sa apartment ang ipapataw. Sa ibaba, aming ilalahad ang mga alituntunin na dapat sundin, nirerekomenda naming basahin muna ito bago lumipat. Kung may iba pang mga tanong o kahilingan, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Accomodation Operator.

Ang kaayusan ay nangangailangan ng pagtutulungan at pagbibigay pansin sa bawat isa.

Idinesenyo namin ang aming mga apartment upang lumikha ng masayang matutuluyan para sa aming mga panauhin, na nagtatangi sa amin mula sa tradisyonal na mga paupahan. Para mapanatili ang ganitong senaryo, kailangan ng respeto, maging mapagmatyag, at sumunod sa mga patakaran. Inaasahan namin ang aming mga panauhin na panatalihing malinis at maayos ang kanilang mga kwarto at mga komon na mga espasyo, gamiting mabuti, at iwan ang apartment kung paano ito nadatnan noong pagdating dito.

Ádám Zatik
Taga-pamahala, may-ari ng negosyo

Ang tatlong lihim sa pamumuhay sa tutuluyan

Kaayusan at kalinisan

Ang bawat residente ay responsable sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang tinuluyan, kaya palagiang linisin ang inyong lugar pati na rin ang mga komon na espasyo. Gamitin ang mga basurahan at laging itapon ang laman nito sa tamang lalagyan.

Magbigay pansin sa bawat isa!

Ang mga panauhin ay maaaring hindi bumalik sa kanilang mga kwarto nang sabay, o kaya naman may pagbabago sa kanilang shift, maaaring sila ay nagpapahinga o naghahanda para sa kanilang trabaho. Pakiusap na huwag mag-ingay and isipin ang kapakanan ng bawat isa.

Ingatan ang inyong mga kagamitan!

Huwag kunin o sirain ang mga gamit ng ibang panauhin. Gawin din ito sa mga shared equipments and iba pang gamit, pati na rin sa gamit ng ibang mga residente, hindi lang sa mga pagmamamay-ari ng Motel Next. Maging responsable sa mga kanya-kanyang kagamitan.

Mga Patakaran

Panatilihin ang kalinisan!

Ang mga kwarto at mga common area ay dapat laging malinis at maayos pagkatapos gamitin. Sa kusina, hugasan lahat ang ginamit na plato at kubyertos at ilagay sa tamang lalagyan. Ang mga basura ay kinokolekto nang bukod sa mga kwarto, kaya ilagay ang mga PET bottles at babasaging bote sa tamang basurahan. Ang paglagay ng mga basura o mga muwebles sa pasilyo kahit pansamantala ay ipinagbabawal, dahil maaaring maging kalat ito sa buong apartment.

Paggamit ng mga common area

IPINAGBABAWAL ang pagdadala ng mga kagamitan mula sa kusina at paglabas ng mga muwebles sa kwarto. Pakibalik ang mga ginamit na kagamitan mula sa kusina sa tamang lalagyan nang malinis upang magamit ito ng iba. Ang sinuman ang magdumi o sumira sa mga kagamitan sa mga common area o buong pasilidad ay kinakailangan linisin o ayusin agad ito (pati na rin sa banyo at shower) at magbayad ng danyos sa mga nasira.

Malinis at maaliwalas na tuluyan

Gamitin sa tama ang bawat pasilidad ng apartment, lalo na ang banyo at mga common area. Ang kalinisan ng mga kwarto ay susuriin kada buwan ng mga nagtatrabaho sa Motel Next, kaya kailangan ibigay ng bawat residente ang access sa kanilang tinutuluyan. Sa komon na espesya, inaasahang hindi maingay at hindi nakakaistorbo sa ibang tao ang mga ginagawa sa anumang oras ng araw. Ang pag-inom ng alak sa komon na espasyo ay mahigpit na IPINAGBABAWAL.

Pagtanggap ng mga bisita

Mahigpit na IPINAGBABAWAL ang pagtanggap ng ibang bisita, miyembro ng pamilya, prostitutes, o ibang business customers, pagpapatuloy or payagan silang manatili ng buong gabi sa mga kwarto. Ang mga ito ay maaaring maging sanhi sa paglabag sa kontrata at agarang pag-papaalis sa apartment. Ang pagdadala ng aso, pusa, o iba pang alagang hayop sa akomodasyon ay mahigpit ding IPINAGBABAWAL!

Seguridad at atensyon

Ang landlord ay hindi mananagot sa mga nawala o nasirang kagamitan na dinala, itinago, o inimbak sa apartment para sa mga pansariling gamit ng mga nangungupahan. Pinapayuhan ng landlord na huwag magdala ng malaking halaga ng pera sa mga kwarto. Ang malaking halaga ng pera ay dapat ilagay sa bangko. Ang mga alahas, laptop, mga mahahalagang gamit, mga importanteng dokumento, at iba pa o pamalit bayad ay huwag itago sa tinutuluyan, ang mga ito ay itago sa mas ligtas na lugar gaya ng bank safe.

Paninigarilyo at pag-inom ng alak

May mga lugar na itatalaga kung saan pwedeng manigarilyo. Mahigpit na IPINAGBABAWAL ang paninigarilyo sa mga common area, pasilyo, o sa kwarto. May mga fire detection at fire alarm system na nakalagay sa buong apartment na konektado sa Győr Fire Station.

Proseso ng pag-checkout

Ang pag-checkout ay posible pagkatapos kumonsulta sa Operator at punan at pirmahan ang exit form at ang room inventory. Ang mga kwarto at kagamitan ay dapat linisin at ibalik sa kanilang orihinal na kondisyon. Ang mga residente ay responsable para sa mga linen sa mga kuwarto at may pananagutan sa gastos ng mga kumot. Ang sinumang magdulot ng pinsala ay responsable para sa pagpapalit ng mga bagay at appliances (mga muwebles, washing machine, TV, refrigerator, atbp.) at para sa anumang pinsalang dulot ng maling paggamit nito.

Nagkaroon ng problema? Makipag-ugnayan sa amin, makakatulong kami!

Kung ang appliance ay nasira o kung may maling nangyayari, agad itong ipaalam sa amin at kami ay sasagot sa loob ng 24 oras. Ang pagkumpuni ng mga ito ay ipinagbabawal, magbigay alam agad sa amin kung may problema.