Ang aming mga presyo ay nakatakda sa euro, na maaaring maging mas madali para sa mga internasyonal na kumpanya. Ang quotation ay maaring hingin, na magiging depende sa bilang ng mga tao, ilang gabing tutuloy, at kung iba pang kailangan. Pagkatapos naming ibigay ang price offer, ang pagbabayad ay maaari lamang mangyari sa pamamagitan ng bank transfer sa bank account ng Motel Next, kasama ang deposit para sa isang buwan. Kung walang sira sa apartment, buong makukuha ang deposit kapag aalis na. Kasama na sa presyo ang lahat ng mga gastos sa utility gaya ng tubig, gas, heating, aircon, Wi-Fi, at TV, at wala ng iba pang dagdag bayad. Sa aming mga kasunduan sa apartment, nagsusumikap kaming magbigay ng mga maayos kondisyon para sa aming mga kasosyo sa negosyo, na naglalayong makamit ang pangmatagalang kooperasyon. At dahil diyan, kami ay nagsagawa ng maayos na istruktura para aming mga mangungupahan na kanilang maasahan, aasahan ding hindi pabago-bago ang presyo na kanilang babayaran.
Ano pa ang iyong mga pwedeng malaman tungkol sa Motel Next?
Hindi pabago-bago ang presyo
Ang mga presyo sa lahat ng kaso ay kasama ang lahat ng gastos sa utility, kabilang ang paggamit ng tubig, gas, pag-init, air conditioning, walang limitasyong Wi-Fi, at TV, nang walang nakatagong bayarin, kaya’t madali para sa lahat na tantiyahin ang buwanang upa.
Pwedeng magbayad gamit ang euros
Pwede lamang magbayad sa euro! Pagkatapos maibigay ang transfer invoice at security deposit, at kapag natanggap na namin ang bayad sa unang buwan ng upa, ang mga kwarto ay pwede na lipatan kaagad.
May kasamang security deposit
Kinakailangan namin ang security deposit na katumbas para sa isang buwang upa kaya naman kami ay nagbibigay ng mas maayos na alternatibo sa mga ibang apartment o ibang paupahan. Ang halagang ito ay maibabalik din agad kapag aalis na, ngunit dapat ang tinuluyan ay nasa maayos na kondisyon at walang sira sa mga ito.
Ang mga ipinagmamalaki namin
800
na katao kada taon
Kami ay nakakapagpatuloy ng halos 800 na tao kada taon mula sa buong bansa at iba't ibang panig ng mundo at patuloy pa itong dumarami.
Ang bilang na ito ay nagpapakita sa mga kompanya na kami ay para pwede upahan nang pangmatagalan upang masigurado na tuloy-tuloy at epektibo ang trabaho ng mga empleyado.
98%
ang masaya sa aming serbisyo
Ang bilang na ito ay nagpapakita sa mga kompanya na kami ay para pwede upahan nang pangmatagalan upang masigurado na tuloy-tuloy at epektibo ang trabaho ng mga empleyado.
Mga katanungan
Ang mga serbisyo na kasama sa babayaran ay pangdalawahang kwarto na may komportableng pang-isahan kama, muwebles, sariling banyo, refrigerator, TV, mabilis na Wi-Fi, aircon, panglahatang kusina, at labahan.
Para sa pagbabayad, kami ay magpapadala ng invoice tuwing ika-una ng buwan, at ang huling araw ng bayaran ay tuwing ika-10 ng buwan na kailangan bayaran sa pamamagitan ng euro.
Kung ang nasira ay hindi kasalanan ng nangungupahan, ang mananagot nito ay ang Landlord, 100%, pero kung ang nangungupahan ay may kasalanan, siya ang mananagot nito.
Sa akomodasyon, hindi kami tatanggap ng cash o card payment. Lahat ng pagbabayad ay pwede lamang sa pamamagitan ng bank transfer mula sa invoice na manggagaling sa Motel Next apartment. Hindi hihingi o tatanggap ng cash ang aming mga tauhan.
Ang babayaran ay fixed montly fee, kung saan aming ipapadala sa mga kompanya kapag sila ay nanghingi ng quote. Ang babayaran ay nakadepende sa dami ng panauhin at kung gaano katagal manunuluyan, na may minimum na 1 buwan.
Sino ang pumili sa aming mga motel para sa kanilang mga katrabaho