Mula sa Motel Next 1 apartment, may mga bus na maaaring sakyan papuntang city center ng Győr o mga kalapit lugar sa bayan. Ang pinakamalapit na sakayan ay 15-minutong lakaran. Ang pangalan ng sakayan ay “Győr (Ménfőcsanak), Királyszék út” at maaari ito mapuntahan sa pamamagitan ng mga ruta na ito:

Ang mga bus na ito ay papuntang sentro ng Győr:
1, 1B: papuntang Újváros, Nép utca
22, 22B, 22Y: papuntang Marcalváros
32: papuntang Győr-Autóbusz állomás (bus station)
34: papuntang Nádorvárosi köztemető ► Adyváros ► Autóbusz-állomás (bus station)
36: papuntang Győr-Autóbusz állomás (istasyon ng bus)
Győr-Adyváros, papuntang Audi-gyár (Audi factory):
20Y: Adyváros ► Audi-gyár, 8-as porta (Audi factory, Gate 8)
Papuntang sentro ng Győr-Ménfőcsanak:
21, 21B: Győzelem utca ► Ménfőcsanak
Mga pangmalayuang bus:
Győr, 83-as út, Tesco áruház: 7013, 7014, 7016, 7034, 7038, 7039, 7040, 7043
Győr, Audi-gyár, 4-es porta, főbejárat (pabrika ng Audi, Gate 4, pangunahing pasukan): 7039, 7040
Győr, Autóbusz-állomás (istasyon ng bus): 7013, 7014, 7016, 7034, 7038, 7040, 7043
Győr, Tihanyi Árpád út kórház (ospital): 7013, 7014, 7016, 7034, 7038, 7039, 7040, 7043
Győr, Vasvári Pál utca kórház, főbejárat (ospital, pangunahing pasukan): 7013, 7014, 7016, 7034, 7038, 7039, 7040, 7043
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa iskedyul ng bus, bisitahin ang Volán bus website: https://www.volanbusz.hu/hu/menetrendek/helyi-jaratok/gyor

Pagbili ng mga tiket at pass
Ang isang paraan upang bumili ng tiket para sa mga lokal na bus sa Győr (hindi para sa mga intercity bus) ay sa mga vending machine ng tiket. Ang tiket ay nagkakahalaga ng 250 HUF bawat biyahe. Kung ang bus stop na “Győr (Ménfőcsanak) Királyszék út” ay walang vending machine, maaari kang bumili ng tiket mula sa driver ng bus para sa 440 HUF bawat biyahe. Maaari kang bumili ng sampung tiket mula sa vending machine para sa 2250 HUF kung madalas kang sumakay ng bus.
Ang isa pang opsyon ay ang pagbili ng 24-oras na pass, na maaari ring bilhin sa vending machines ng 800 HUF. Ang pass na ito pwedeng gamitin ng walang limit sa loob ng 24 oras sa mga bus ng Volán. Ang 7-day pass ay maaari ring bilhin, na pwedeng gamitin mula 0:00 am sa araw ng pagkabili hanggang hatinggabi ng ika-anim na araw. Nagkakahalaga ito ng 2500 HUF at maaaring gamitin sa biyahe kasama ang ID card, pasaporte, o driver’s license.
Ang quarterly pass papuntang trabaho at pauwi ng bahay ay nagkakahalaga ng 16,500 HUF, ang pang-isang buwang pass naman ay 19,800 HUF.
Maaari ring bumili ng tiket at pass sa online gamit ang “Közlekedési Mobiljegy” app, nandun na rin ang presyo na nabanggit. Ang one-way tiket na nabili dito ay maaaring gamitin sa loob ng 30 araw mula sa araw ng pagkabili nito hanggang hindi pa ito nagagamit.

Kapag sasakay, maglog-in sa application at piliin ang tiket o pass para sa rutang pupuntahan. Pagkatapos pindutin ang ‘scan code to board’ na button, i-scan ang QR code na nakalagay sa bus. Ipakita ang animated symbol sa drayber pagkatapos ang matagumpay na proseso: nagpapatunay itong balido ang tiket o pass. Kailangan ng internet sa pag-scan.
Para sa mga intercity bus, hindi maaaring bumili ng tiket sa machine; ang mga tiket ay maaaring lamang mabili sa drayber at ang presyo ay nakadepende sa layo ng pupuntahan. Kaya sabihan ang drayber kung saan bababa.
Mga sakayan/babaaan sa city center ng Győr:
Aradi Vértanúk útja, szökőkút (bus No. 1)
Zechmeister utca, Bécsi kapu tér (bus No. 1)
Baross Gábor híd, belvárosi hídfő (buses No. 22, 22B, 22Y)
Gárdonyi Géza utca (buses No. 22, 22B, 22Y)
Révai Miklós utca (buses No. 22, 22B, 22Y)

Decathlon, Tesco, Media Markt, Müller, Aldi, Eco Family:
Decathlon áruház (buses No. 20Y, 22, 22B, 22Y, 32, 34, 36)
83-as út, Tesco áruház (buses No. 20Y, 22, 22B, 22Y, 32, 34, 36)
Sa pagpaplano ng inyong biyahe, gamitin ang website na ito: https://menetrendek.hu/, pwede mong ilagay kung saan ka sasakay at bababa pati na rin ang oras para makita ang maaaring sakyan para inyong biyahe.
Kung may iba pang tanong pagkatapos basahin ang artikulong ito, magpadala lamang mensahe gamit ang aming mga contact detail or i-kontak ang aming mga operator sa Motel Next!