Mga restawran na malapit sa Motel Next 1

Sa artikulong ito, nilista namin ang mga restawran na malapit sa Motel Next 1, kung saan pwede magpadeliver o kumain ang aming guest.

Ang pinakamalapit na restawran sa Motel Next 1 ay Peron-M Pizzeria, mga 5-minutong lakad ang layo, katabi ng Metro supermarket. Ang restawran ay bukas mula Lunes hanggang Sabado, 11:30 AM hanggang 9:30 PM, at sarado tuwing Linggo. Pwedeng kumain sa restawran o magtake-out. Ang pagkain na maaaring mabili ay sabaw, bagong lutong mga pagkain, pizza, at maaari ka ring mamili sa pasta, salad, at softdrinks. Ang website ng restawran at contact detail ay matatagpuan dito: https://peronpizza.metro.rest/?lang=hu#times

Dalawang bus stop mula sa Tesco, maaari kang makabili ng kebab o dürüm sa Pasa Kebab buffet. Pwede ka ring pumili ng snack, dessert, at softdrinks. Oras ng pagbubukas: Lunes-Sabado: 9:00 AM – 8:00 PM, Linggo: 9:00 AM – 7:00 PM.

Pwede rin, kapag bababa sa “83-as út, Tesco áruház” bus stop, maaari ka ring makatikim ng authentic Italian, oven-baked pizza sa Benjamin’s Napoletana Pizzeria! Ang presyo ng mga pizza ay mula 2900 HUF hanggang 4500 HUF. Sarado sila tuwing Martes at Linggo pero bukas sila ng mga araw na hindi nabanggit mula 12:00 PM hanggang 8:00 PM

Mga ilang metrong layo, sa tapat ng Hervis store, may grill buffet na pwede kang makatikim ng grilled chicken. Bukas sila araw-araw mula 9:00 AM hanggang 6:00 PM, maliban tuwing Linggo.

Kung kasama sa kontrata na may pagkain sa pagtira sa aming accommodation, kami ay may kooperasyon sa Sarokház Restaurant sa Győrújbarát, kung saan pwede kayong mamili ng pagkain sa daily menu. Ang restawran ay 7 minutong layo kung i-dadrayb mula sa accommodation at 25 minuto naman kung bus.

Maaaring makita ang weekly menu dito:
https://www.sarokhazvendeglo.hu/heti-menu

Maaaring maglagay ng mga order tuwing 8:00 AM hanggang 11:00 AM kung ipapadala sa bahay, o tuwing 4:00 PM hanggang 8:00 PM kung isang araw bago ipadala. Ang presyo ng menu ay mula 2350 hanggang 2650 HUF, may sabaw na at ulam.

Ang Győr Plaza ay 15-20 minutong sakay ng bus o 10 minuto naman kung idadrayb mula sa apartment kung saan pwede kang mamili ng iba’t ibang restawran gaya ng KFC, McDonald’s, Pizza Hut, Don Pepe, Thai Buffet, at Doni Burger.

Ang buong lugar ng Győr, pwede ka magpadala ng pagkain gamit ang Wolt at Foodora app sa Motel Next 1 apartment, maraming pwedeng pagpipiliang restawran.

Sana makatulong itong aming artikulo sa inyo. Para sa iba pang mahahalagang impormasyon, patuloy na basahin ang mga artikulo sa aming website at kami ay pwede niyong i-kontak kung kayo ay may iba pang katanungan.