Motel Next Győr 2

Matatagpuan ang Motel-Next 2 sa isang tahimik na residential na lugar sa Győr, sa Hegyalja Street, kung saan perpektong pinagsasama ang payapang kapaligiran at madaling access. May malapit na botika, mga tindahan, at hintuan ng bus, kaya madali at maginhawa ang pang-araw-araw na gawain at transportasyon. Dahil sa maayos na pampublikong transportasyon, madaling mararating ang sentro ng Győr at ang mga karatig na lugar, habang nananatiling tahimik at nakakarelaks ang lokasyon ng tirahan. Ang Motel-Next 2 ay perpektong pagpipilian para sa mga naghahanap ng praktikal ngunit tahimik na matutuluyan sa Győr.

Ano ang mga inyong mahahanap sa aming akomodasyon?

Kumpletong kagamitan sa aming mga apartment

Ang lahat ng aming mga kwarto ay kumpleto sa kagamitan, makabagong muwebles, dalawang pang-isahang kama, aircon, at pribadong banyo. Ang liwanag mula sa labas ay kayang pumasok sa kwarto, siguradong makakapagpahinga mabuti na walang abala.

Mga standard na kwarto

Pare-pareho ang disenyo ng aming mga kwarto, pati na rin sa mga kagamitan. Ang bawat kwarto ay mayroong sariling refrigerator at TV, ang lahat ng ito ay para mapadama sa aming mga guest na sila ay komportable at parang sila ay nasa kanilang sariling tahanan.

Pribadong Banyo

Ang bawat kwarto ay may sariling liguan at banyo, sapagkat pinahahalagahan namin ang personal space at kalinisan ng bawat panauhin upang sila ay maging komportable.

Panglahatang Kusina

Ang panglahatang kusina ay kumpleto sa mga kagamitan, na siguradong makakapagluto at makakapagsalu-salo ang aming mga panauhin. Ang kusina ay may sapat na espasyo at kumpletong kagamitan para sa aming mga panauhin para makapagluto at makakakain mabuti.

Madaling pamimili

Ang Metro supermarket ay malapit sa motel, mas pinadali na ang pamimili ng mga kailangan sa pang-araw-araw. Mura ang mga paninda dito kung kaya't dito matagal na namimili ang mga tao dito.

Magandang lugar

Ang akomodasyon ay malapit lang sa labasan ng kalsada ng M1 at M83, mabilis na makakapagbiyahe saanman sa Győr-Moson-Sopron County pati na rin sa Komárom at Pápa.

Sino ang pumili sa aming mga motel para sa kanilang mga katrabaho

Paano naiiba ang Motel Next pagdating sa serbisyo?

Naka-disenyo para sa pangmatagalang pag-upa

Ang aming mga apartment ay naka-disenyo para pwedeng upahan nang pangmatagalan, ang mga kwarto at common areas ay kumpleto sa mga kagamitan na kailangan para sa pang-araw-araw.

Hind pabago-bago ang mga presyo

Ang presyo na babayaran ay naka-Euro, para sa aming mga international guests. Kasama na lahat sa babayaran ang tubig, kuryente, heating, aircon, at Wi-fi.

Para lamang sa mga kompanya

Ang aming mga apartment ay naka-disenyo para pwedeng upahan nang pangmatagalan, ang mga kwarto at common areas ay kumpleto sa mga kagamitan na kailangan para sa pang-araw-araw.

Interesado sa Motel next? Humiling na ng quote ngayon!

Ikaw ba ay naghahanap ng pangmatagalang matutuluyan sa Győr? Piliin na ang Motel Next apartment! Tuloy na tuloy po ang aming mga guest sa aming makabagong pasilidad and kumpletong kagamitan para sa pang-araw-araw na pamumuhay at kami ay nagbibigay ng flexible booking options na babagay sa inyong pangangailangan.

Mga iba pang Motel Next apartment na pwedeng upahan