5 payo para mapataas ang kahusayan sa trabaho

Para sa inyong mga empleyado, o ikaw mismo na empleyado, upang makapagtrabaho mabuti, may mga mahahalagang bagay ang dapat isaalang-alang. Hindi lamang ang lugar ng trabaho ang mahalaga, pati na rin kung paano at saan pwedeng magpahinga. Sa artikulong ito, ibabahagi namin ang 5 payo upang mapaghusay ang trabaho, para makatulong upang makuha ang tagumpay.

1. Nakakarelax na lugar at kalidad ng tulog. Ang pinakaimportanteng bagay ay ang lugar kung saan pwedeng magpahinga bago at pagkatapos magtrabaho. Mahalaga ito sa lahat ng pagkakataon para makakuha ng mahimbing na tulog. Kasama dito ang pagkakaroon ng komportableng kama sa malinis at maaliwalas na kwarto na may tamang temperatura, walang ingay, and parang nasa sariling tahanan kapag pumasok. Idinisenyo namin ang Motel Next aparment na kung saan kami ay makapagbibigay ng komportable at maayos na matutuluyan para sa mga manggagawa na mananatili sa amin.

2. Gawain sa Umaga, “me time”

Ang ating mga ginagawa bago pumasok sa trabaho ang magdidikta kung paano ang magiging takbo ng ating araw, na makakaapekto sa ating galing sa trabaho. Pagkatapos gumising, mahalagang bigyan ng sapat na oras upang tayo ay makapaghanda, makapagbihis, at makapag-almusal at kape, para masimulan natin ang ating araw nang masaya. Kung tayo ay nagmamadali sa umaga at hindi man lang nakapagsepilyo ng ang ating mga ngipin dahil sa pagmamadali, at nasa lugar na mismo ng trabaho, ang hindi pagkakaroon ng “me time” ay maaring magdulot ng hindi maayos na trabaho.

3. Komunidad sa trabaho at sa labas ng lugar ng trabaho

Upang magkaroon ng maayos na atmospera sa trabaho, mahalagang magkaroon ng mabuting relasyon sa mga katrabaho. Kahit hindi nagkikita-kita sa labas ng trabaho, magkakasama naman ng halos kalahating-araw sa trabaho kung kaya’t mahalagang makabuo ng kaayusan sa isa’t isa, para masuportahan ang pagtatagumpay ng bawat isa. Kung hindi maayos ang atmospera at kulang ang simpatiya sa mga katrabaho, magdudulot ito sa hindi maayos na pagganap sa trabaho.

Ang husay sa trabaho ay naaapektuhan din ng relasyon sa labas ng lugar ng tabaho, kung kaya’t mahalagang palibutan natin ang ating mga sarili ng mga taong may positibong pananaw sa buhay at pagkakaroon ng oras kasama sila ay talagang magiging masaya. Sa Motel Next workers’ accommodation, ang mga common spaces ay nakadisenyo para makapagbigay ng pagkakataon para makipagsalamuha. Mahalaga sa amin na ang aming mga guest na makapaglaan ng de-kalidad na oras habang malayo sila sa kanilang mga minamahal sa buhay.

4. Aktibong oras ng pahinga

Ang pagtatrabaho ng sunud-sunod na araw ay nakakapagpagod sa ating katawan at pag-iisip at kung iniisip natin na itulog na lang ang mga araw na walang pasok, mas mabuting i-konsidera na gawin itong aktibong pahinga. Maglakad upang makalanghap ng sariwang hangin, pumunta sa gym, mag-swimming, o gumala sa mga magagandang pasyalan. Kahit anuman ang inyong piliin sa mga ito, nakakapagod itong tingnan sa una, pisikal o mental, mas magiging mabuti ang ating pakiramdam kompara sa pagtulog ng buong araw sa kama. Maraming pwedeng maging libangan sa Győr, at salamat sa malapit na mga bus stop sa Motel Next apartment, madaling puntahan ang city center mula Győr-Ménfőcsanak.

5. Mga pagkain

Huwag nating hayaan na malipasan ng gutom. Subukang kumain sa pare-parehong oras araw-araw at siguraduhing masustansiya ang mga baong pagkain sa trabaho. Ang gutom sa trabaho ay maaaring magdulot ng stress, pagod, at hindi maayos na pagtatraho! Kapag panggabi, kumain ng mga pagkaing madaling matunaw sa tiyan at iwasan ang matabang mga pagakin. Sa Motel Next workers’ accommodation, ang mga bisita ay maaaring makagamit ng makabago at maluwag na kusina kung saan makakapagluto at makapaghahanda ng pagkain mabuti. Ang bawat kwarto ay may refrigerator kung saan pwede magtago ng pagkain.

Ang mga 5 payo na ito ay makaktulong upang mapabuti ang kalidad ng pamumuhay at maging mahusay sa trabaho. Piliin ang Motel Next workers’ apartment para sa inyong mga empleyado na makakatuloy sa makabago, tahimik, at nakaka-relax na lugar pagkatapos ng trabaho kung saan lahat ay naka-set up na para sa 5 payo na nabanggit sa artikulo! Humingi na ng quote ngayon at kokontakin namin kayo sa loob ng 24 oras.